Maliit pa lang namulat at lumaki na sa
mapanghusgaang mundo
Di nakaligtas kahit sa sariling pamilya
Mga matatandang walang awa magsalita
sa isang musmos na bata
Walang kalaban laban
Walang kaalam alam
Mga matatandang sana maging hemplo pero
sila pa ang nakakasakit ng kapwa
Nasaan ang salitang respeto
Respeto na hinihingi ng mga matatanda na sila
mismo ay hindi marunong magbigay sa kapwa
Hindi porket matanda may karapatan nang manakit , mangmaliit
Walang awa , daig pa ang isang demonyo
Kay huwag niyong hintayin ang araw na bumaliktad ang ihip ng mundo
kung saan kami ay mawawalan ng salitang respeto
Tao din kami ,may karapatan mabuhay nang malaya
Tama na ang pang aabuso